Pages

Actual FOOTAGE ng pagaresto sa tatlong MYEMBRO ng MAUTE na papatakas at sugatan sa ILOILO PORT

Lalo pang hihigpitan ngayon ng mga otoridad ang pagbabantay sa mga port areas kasunod ng pagkakaaresto ng tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Maute terror group sa Iloilo port.

Sa Mindanao Hour sa MalacaƱang, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, batay sa kanilang initial monitoring, ito ang kauna-unahang insidenteng may nakapuslit na terorista papasok ng Visayas region.

Ayon kay Padilla, aasahan ang mas mahigpit na pagbabantay sa mga pier dahil posibleng may ilang Maute members ang nakatakas mula sa kordon ng militar lalo sa unang linggo ng bakbakan sa Marawi City.

Sa ngayon, patuloy pa umano ang imbestigasyon sa tatlong suspek kung gaano kalalim ang koneksyon nila sa mga terorista at kung ano ang relasyon nila sa Maute brothers na pasimuno ng Marawi siege.