Pages

‘BAWAL ANG EPAL’ – MANNY PACQUIAO

Binuhay sa Senado ang panukalang nagbabawal sa pagbabandera o paglalagay ng mukha, pangalan ng mga politiko o opisyal ng gobyerno sa mga government projects na mistulang inaangkin ang proyekto ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1535 o ang ‘Anti-Epal Bill’ na inihain ni Senador Manny Pacquiao, layon nitong pagbawalan ang maagang pangangampanya ng mga pulitiko gamit ang mga infrastructure projects ng gobyerno.

Gustong ipagbawal ni Pacquiao ang paglalagay ng mukha at pangalanan sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng tulay, kalsada, palengke, poste, basketball court at mga waiting shed.

Iginiit ng senador na hindi tamang angkinin ng mga elected at appointed na opisyal ang kredito sa mga government projects dahil hindi naman sila ang gumastos nito, kundi mula sa buwis ng taumbayan.

Loading...

Oras na maaprubahan ang panukala, babaklasin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng mga karatula o signage ng may mukha at pangalan ng pulitiko o opisyal.

Pagmumultahin din ng hanggang isang milyong piso at maaring pagbawalan nang humawak ng pwesto sa gobyerno ang sinumang lalabag nito.

Dating naghain ang yumaong si Senator Miriam Defensor-Santiago ng ganitong panukala, subalit hindi umusad sa Senado.

Source

Loading...

POST A COMMENT